Chapter 29 3rd Person's POV "Wedding invitation?" Sapo ngayon ni Ragen ang noo. Buhat ni Lazaro sa isang kamay si Lucas na tumatakbo at sumisigaw na nagtsi-cheat ang papa niya. "Inabot iyan sa akin kanina ni Escion. Ikakasal siya sa isa sa mga kapatid ko. Hindi pwedeng hindi ako pumunta," ani ni Ragen. Alam ng lahat ang past nila ni Escion at isa pa kasal iyon ng isa sa mga kapatid niya. "Then pumunta ka," ani ni Lazaro. Ibinaba ni Lazaro si Lucas. Ngumiti si Ragen at sinabing isasama niya si Lazaro at sina Lucas. "Time na din siguro ito para harapin ko sina ama at ipakilala kita as my husband at sina Lucas," ani ni Ragen at hinawakan sa ulo su Lucien. Hindi ni Ragen alam kung anong pakulo na naman iyon ng Magus at Lupera ngunit hindi siya papadala sa ginawa ng mga ito na alon. Tu

