Chapter 31 3rd Person's POV "Umupo lang ako doon at uminom ng tea pero daig ko pa nakipag-marathon. Ubos na ubos energy ko," ani ni Ragen. Tinanong ni Colton kung nais na ba ni Ragen bumalik sa sariling silid. "Tatawagin ko na lang ang emperor at ang dalawang prinsipe," ani ni Colton. Umiling si Ragen. "Mag-aalala lang sila sigurado," ani ni Rgaen. Sinabi ni Ragen na susunduin na lang niya ang mga ito. Napatigil si Ragen nang tinatahak na niya ang daan patungo sa palasyo nakita niya si Lazaro. Hawak ang braso ng dalawang anak at nakaangat ang mga ito sa ere. "Daddy! You idiot! Susumbong kita kay papa binu-bully mo kami!" "Ha? Binu-bully nasaan ang bully?" tanong ni Lazaro. Hinagis niya ang mga ito at agad na ginamit ang kapangyarihan. Napangisi si Lazaro matapos siya batuhin ni

