Chapter 02 3rd Person's POV Hinalikan si Ragen ni Lazaro sa labi. Hawak ni Lazaro ngayon ang bewang ni Ragen at marahas ang paghalik nito. Kusang binuksan ni Ragen ang mga labi at idinikit ang katawan kay Lazaro na bahagyang napatigil. Sandaling nagkahiwalay ang mga labi ni Ragen at Lazaro. "Hindi mo kailangan maging marahas. Hindi ako papalag. Nasasaktan ako," ani ni Ragen. Hinawakan ni Ragen ang pagkakatali ng pantulog niya at kinalas niya iyon para kay Lazaro. Tila naman nahipotisno si Lazaro at hinalikan muli si Ragen. Hiniga ito sa kama at pinatungan. Hindi siya tinulak ni Ragen o kumawala sa pagkakahawak niya. Nagre-react ito sa bawat haplos niya at gumagawa ng mga expression na ni minsan hindi niya nakita. "Lazaro," ungol ni Ragen matapos bumaba ang halik ni Lazaro sa lee

