Chapter 11 3rd Person's POV "Bakit feeling ko nakatingin sa atin ang emperor," ani ni Orgel. Nakatalikod ito sa table at katabi si Hans. Nakapatong sa isang table iyong rabbit na alaga ng empress. Sinabi ng empress na regalo iyon sa kaniya ng emperor. Binigyan ito ng pangalan ng empress na Florence. Umalis sandali ang empress. Nagtataasan ang balahibo ng dalawa dahil feeling nila kakainin sila ng buo ng rabbit. "Hans! Nakita ko na. Naipadala na pala ni Colton sa stock— anong nangyari sa inyong dalawa?" tanong ni Ragen. Napatingin sa kaniya kasi ang dalawa at naiiyak ang mga ito. Wala din kulay ang mga mukha. "Feeling ko may murderer sa likod namin," bulong ni Orgel na may hawak na tube. Natawa si Ragen at nilampasan ang table ng dalawa. "Kayong dalawa lang naman nandito at impo

