Chapter 53 3rd Person's POV Nakaupo si Victor sa lilim ng isang puno. Nakapatong ang kanang kamay sa tuhod. Tinitingnan lang ng butler ang sugat at galos sa kanan na kamay niya. "Tama na ang pagluluksa. Kailangan na natin umalis," ani ni Rafael. Umiwas ng tingin si Victor. "Tatlong araw na ang lumipas Victor. Tatlong araw ka na din hindi kumakain. Magpapakamatay ka na ba?" iritable na tanong ni Rafael. Si Leigh ngayon ang nagamit ng katawan ni Rafael. "Na imposible na mangyari dahil kalahating guardian ako," dagdag ni Rafael. Sumama ang timpla ng mukha ni Rafael. "Hindi mo ako naiintindihan dahil guardian ka. Wala kayong pakiramdam." "Nasabi ko na bang nakakairita ang mga tao," pikon na sambit ni Rafael at umalis muli. Lumingon si Victor at tiningnan si Rafael na naglalakad na

