Chapter 51 3rd Person's POV Nasa pinakamataas na bahagi ng main palas si Pitou. Pinanood ang mga tao na naglalabas pasok sa buong kaharian. May dumating muli na karwahe. Itinungkod ni Pitou ang dalawang braso sa bato na nasa magkabilang gilid niya. "Pinaka-ayaw ko talaga ng puti. Ang sakit sa mata," bored na bulong ni Pitou. May bumaba na dalawang tao sa karwahe isa dito ay may tinatagong malakas na holy power. Pagtapak ng mga lalaki sa palasyo ng aquasilence naglakad ang mga ito isa sa dalawa ay napatingin sa direksyon ni Pitou. "Ngayon alam ko na kung bakit binalaan tayo ng mga head priest na mag-ingat," ani ng lalaki. Nababalutan ng itim na kapangyarihan ang buong kaharian. Pinanggagalingan noon ay sa loob ng main palace. Naglakad ang dalawang lalaki patungo sa bulwagan. "Ta

