Chapter 41 3rd Person's POV Tumungo si Ragen sa bulwagan. Hindi maganda ang timpla ng mukha nito. Parang pinupunit ang puso niya habang nakatingin sa mga anak na lupaypay. Napatingin si Lazaro kay Ragen na naglalakad sa gitna. Napaayos ng upo si Lazaro matapos makita ang empress. "Maari ba ako magbigay ng mga mungkahi emperor?" tanong ng empress. Huminto ang lalaki at nakatingin kay Lazaro. Bahagyang napatakip si Lazaro ng bibig. Paanong mas naging hot sa paningin niya si Ragen habang seryoso ito at nakatingin sa kaniya. "Magsalita ka," bulong ni Lazaro. Hindi nagsalita si Ragen at tiningnan ang mga tao sa bulwagan. Tinaas ni Lazaro ang isang kamay at hudyat na pinaalis niya lahat ng nasa bulwagan. Aalis din si Colton ng sabihin ni Ragen na ayos lang kung nandoon si Colton. Nap

