Chapter 30 3rd Person's POV Nabuo muli ang duke. Tumawa ito at sinabing immortal siya. Hinding-hindi siya mamatay. Patuloy sa pagtawa ang duke hanggang sa biglang yumanig ang lupa. Nabiyak iyon at nagulat ang lahat matapos may puting liwanag ang lumabas mula sa ilalim. "Mahal na prinsipe!" Nagulat sina Ragen at Lazaro matapos makitang lumulutang si Rafael. Kulay puti ang mga mata at nagliliwanag ang kalahati ng buwan na nasa noo ng bata. "Dukeee!" Sumigaw si Rafael. Maraming boses silang naririnig. Humihiyaw ito. Napatakip ng tenga sina Lazaro dahil sa hiyaw na naririnig nila galing kung saan. Nagliliwanag ang prinsipe. May puting likido ang tumutulo galing sa mga mata ng bata. "Wala kaming ginawang masama. Bakit niyo ito ginawa sa aming mga bata. Ang aming ina at ama— napaka