Chapter 34 3rd Person's POV "Kamahalan, unti-unting namamatay iyong mga hayop sa karatig bayan. Nasabi na namin iyon sa palasyo ngunit wala kaming naririnig na kahit ano sa mga tao dito sa palasyo. Paano ang aming kabuhayan— iyong mga alaga namin na tupa, baka at mga manok ay mga namamatay," ani ng isa sa opisyales ng bayan. Tumango ang ilan pang opisyales. Nandoon din sa mga mukha nito ang pagkabahala. "Nolan," ani ng prinsipe. Sinabi ni Nolan na nai-report niya iyon sa aquasilence a month ago. "3 months ago matapos matanggap ko iyong reklamo nila dalawang buwan ko nilaban iyon sa prinsipe ng heavenjade at wala siyang ginawa ukol doon kahit maglabas ng ilang opisyales para imbestigahan ang nangyari. Noong hindi kumilos ang prinsipe doon na namin pinagbigay alam sa inyo," ani ni Sahi