Chapter 28 3rd Person's POV Inimbitahan ng duke si Ragen sa isang tanghalian. Wala ng araw na iyon si Lazaro— agad siya pinaunlakan ng prinsipe ngunit kasama nito ang anak na si Rafael. Dissapointed doon ang duke. Isinampa ni Victor si Rafael sa upuan na katabi ni Ragen. "Pasensya na kung biglaan. Naisip ko lang kasi na maaring nabo-bored ka na din sa silid mo," ani ng duke. Ngumiti lang si Ragen. "Masyado din malamig kay ayokong lumabas. Maaari din makasama sa aking kalusugan," ani ni Ragen na totoo naman. Ayaw niya magkasakit dahil may limang bata sa sinapupunan niya ang maaring maapektuhan kung mangyayari iyon. Hinawakan ni Ragen ang tasa niya. Pinako ng duke ang tingin niya sa magandang mukha ng prinsipe at sa katawan. "Bakit hindi kayo kumakain? Hindi niyo ba gusto ang