Chapter 11 3rd Person's POV "Racine!" Nababalutan ng dugo ang katawan ni Lazaro habang may hawak na espada. Nakita niya ang katawan ni Racine nakasabit sa kahoy. Nakatali din ang mga anak na halos hindi na makilala dahil sa mga sunog na natamo. Nabitawan ni Lazaro ang espada matapos makita na napapalibutan ng apoy ang mag-aama niya. Naririnig niya ang boses at panaghoy ng mga anak. Napahawak si Lazaro sa ulo at napasigaw. Nagising si Lazaro matapos marinig ang boses ni Ragen. Naimulat ni Lazaro ang mata at napaupo ng ayos. "Anong nangyari?" tanong ni Ragen. Naggo-glow ang mata ni Lazaro. Napasapo ang lalaki sa noo. Nanatiling nakaupo si Ragen sa lupa at nakatitig sa lalaki. "Napanaginipan ko iyong sa cursed valley. Ang mga anak natin at ikaw," ani ni Lazaro. Bumakas sa mukha ni

