Chapter 15 PABALIK-BALIK ANG dalaga sa iisang direksyon, hindi mapakali dahil hindi pa rin nakakabalik sa silid nila ang binatang si Nikolai, “na saan na kaya ‘yon?” Tanong n’ya sa kanyang sarili. Hanggang sa maramdaman n’ya ang gutom ngunit nag-aalangan n’yang iwan ang silid at maunang kumain na hindi kasabay ang binata. Napabuntong-hininga s’ya at huminto sa paglalakad, “baka naman makasalubong ko s’ya bago pa man ako makarating sa bulwagan,” bulong sa sarili. Nagpasya na s’yang lumabas ng silid. Hindi naman ga’anong kalayo ang bulwagan sa silid nila kaya agad din s’yang nakarating. Ngunit hindi n’ya inaasahan ang sasalubong sa kanya ro’n. Mga nagkukumpulan at ingay sa mismong gitna ng bulwagan. Agad s’yang nakipagsiksikan para malaman kong anong nangyayari ro’n, nang makalabas s’y