Chapter 12 Kakapasok ni Nikolai sa mansyon pagkatapos ng kalahating araw na paghahanap sa nawawalang si Suyen, sinalubong s’ya ng isa sa mga katulong at may inabot na sulat sa kanya. Pamilyar sa kanya ang itsura ng lalagyan na kulay puti at may silyado itong kulay asul, marka ng mga maharlikang nakatira sa palasyo. “May sulat pong galing sa prinsipe ng Nurlin.” Wika ng katulong. Kinuha n’ya ang sulat at nagpasalamat sa katulong, umupo s’ya sa mahabang upuan sa sala at binuksan ang sulat. ‘Isang maligayang araw sayo ginoong Nikolai Hollon ng Nurlin maari ka bang maibentahan sa palasyo sa araw na ‘to.’ Hugo Victor Napakunot-noo s’ya sa biglang imbetasyon sa isa sa kinikilala at pinakamataas na tao sa Nurlin, ang prinsipe. Marami s’yang tanong, biglaan at baka importante ito. Huminga