Chapter 6 Isang dalaga ang naglalakad sa madilim at masukal na kagubatan, palinga-linga siya sa paligid, nakasuot siya ng mahabang coat na tago ang ulo hanggang paa niya, lumabas siya sa napakaluwag na parte ng kagubatan, walang halos na lumalaking anumang halaman o bulaklak maliban sa baleteng naroon. Tinanggal niya ang nakatakip na coat sa ulo niya, lumabas ang mukha ni dalaga bago siya pumasok sa mala-buhok na nakalaylay sa balete, sumalubong sa kanya ang animoy bahay ng puno, may maliit na sala, silid, kusina, puno rin ng mga kakaibang kagamitan sa mahika lalo na pangkukulam. Sa gitna ng silid na ‘yon ang isang matandang babae na kulubot na ang balat ngunit itim pa rin ang buhok nitong hindi na dinadaan ng suklay, puros itim ang kasuotan nito mula sa bistida hanggang sa sapatos. “A