NAPANGITI si Chloe habang naglalakad papasok sa loob ng kumpanya. Napansin niya ang ilang Royal Guards niya na nasa loob ng Carmichael Real Estate Company. They are serving as security. She already arranged everything. She needs to secure her husband's company or else because of her, Lawrence will lose everything. Masaya nga si Lawrence dahil hindi na nagpapakita si Lander sa kanila. Basta na lang itong nawala at walang nakakaalam kung nasaan ito pero wala silang pakialam roon. Mabuti nga at hindi na ito nagpapakita pa sa kanila dahil baka masisira lang ang araw nila, lalo na si Lawrence. Chloe smiled. "Chloe." Nilingon ni Chloe ang kaibigan. Nginitian niya ito pero kumunot ang nuo niya nang makitang nakasimangot si Vivian. "Oh, bakit ganiyan ang mukha mo? Umagang-umaga nakasimangot

