Angel's POV WALANG NANGYARI sa pakiusap ko. Pinalayas pa rin ako ni Alden. Hindi siya pumayag na tumira ako sa bahay niya. Hindi ako umalis sa labas ng building. Hinintay kong lumabas si Alden para harangan siya sa daraanan niya at makiusap. Hindi man lang siya naawa sakin. Saan na ako ngayon? Saan ako titira? Kung babalik ako sa bahay baka pagbalik ko pa lang ay ipakasal na kaagad ako kinabukasan ni Kuya Arnold sa manloloko kong EX. Ang totoo, tumakas lang ako. Hindi naman talaga ako pinalayas ng mga kapatid ko kundi tinulungan ako ni Kuya Arjay na makalabas. Siguro sa mga oras na ito ay hinahanap na ako ni kuya Arnold. Gabi na pero walang Alden na lumabas mula sa building. Nang tanungin ko ang guard ay ang sagot lang nito ay kanina pa lumabas ang kanilang boss. Sigurado akong nak