Alden's POV "Kiss the bride." anunsyo ng judge. Napaatras ako ng makitang handa na si Angel na halikan ko. Nakanguso pa nga ito na akala mo ay hahalikan ko. "Bakit wala?" nagmulat ito ng mga mata. Nagtama ang aming mga paningin. Akala niya siguro ay hahalikan ko siya. "Halikan mo na ang asawa mo, lalaki." untag ng judge sa akin. Pero hindi pa rin ako gumagalaw. I couldn't believe I was married to this woman. Hindi ito ang gusto kong mangyari. Ang gusto kong makasama habang buhay ay walang iba kundi si Venus, pero bakit ang babaeng 'to ang binigay sakin. "Ako na po ang hahalik sa asawa ko." Nagulat na lamang ako ng lumapat ang labi ng babaeng ito sa aking mga labi. Mabilis itong tumingkayad at kaagad na hinalikan ako. Kung wala kami sa harapan ni judge ay baka itinulak ko na ito. Ta