Venus POV HINDI ko alam kung anong meron sa pag-iisip ni Marco? Dinala niya kami rito ng anak niya para iiwan lang pala. Kung may galit siya sakin dapat huwag niya ng idamay si Via. Akala ko ba okay na? Pero bakit biglang ganito? Pasalamat siya dahil kahit iniwan niya kami rito ay hindi ko pa rin siya siniraan kay Via. Ayaw ko rin naman isipin ni Via na hindi pala totoong concern sa kaniya ang daddy niya. Inayos ko ang mga gamit namin ni Via. May mga damit pa nga na naiwan si Marco. Nagmamadali siguro siya kanina na umalis para siguradong hindi namin siya maabutan. Walang hiya! Pagkatapos ng ginawa niya kagabi. Nagpakasarap lang naman siya at pagkatapos ay iiwanan lang pala ako o kami ng anak niya. Pagkatapos niyang pamagain at halos hindi palakarin dahil sa ginawa niya. Ganito lang pa