Venus POV KINAKABAHAN ako habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Ngayon ang araw na ipapakilala ako ni Marco bilang asawa niya. Ano na lang kaya ang sasabihin ng mga tao? Siguradong huhusgahan nila kami. Habang inaayos ng babae ang buhok ko at ang make - up ko. Mula sa salamin na nakikita ko ang aking sarili ay nahahalata na ang baby bump sa tiyan ko. Nakasuot ako ng royal blue tube maxi dress. Hindi ko na talaga matatago dahil talagang halata na ang tiyan ko. "Excited ka na ba sis?" Napalingon ako sa pintuan ng marinig ang boses ng ate Veni ko. Pumasok ito at kaagad na lumapit sa akin. "Nasa ibaba na ang mga press at media. Hinihintay na kayong dalawa ni Marco." sabi nito sa akin. Hinaplos niya ang balikat ko. Habang nakatingin ako sa salamin ay sinulyapan ko na rin siya gami