"UMALIS kayong lahat sa harapan ko." Nakasimangot na pagpapaalis ni Art Dos sa mga anak. Aba'y kahit may edad na siya ay talagang masasapak pa niya ang mga ito. Bukod sa napakakulit nila ay nakakabulahaw pa! "Hanep naman si Daddy kong pogi eh. Bakit ba hinayaan mong talunin ka ng mga wrinkles na iyan?" Nakangiting umangkla ang kaisa-isang tumatawag sa ama ng Daddy. "Heh! Ikaw Artemeo VII, ayan ka na naman sa palambing-lambing. Ah, lahat kayo ay lumayas sa harapan ko kung ayaw ninyong tuluyan ko kayong palayasin dito sa bahay!" Angil niya rito. Kaso nakahagikhik lamang ito saka yumakap. "Father the great, alam ko namang hindi mo iyan magagawa. Kaya't pumayag ka na sa sinasabi namin. Look at my sisters in-laws, they are all expecting from your answer. Dali na, Daddy. Say yes na, now na

