"ILANG araw na ba simula noong nagising siya, anak?" malungkot na tanong ni Ginang Shiella sa manugang. Tama, nagising na ang damulag nila bago pa dumating sa bansa ang mag-iina. Nagkatotoo rin ang pahayag ng doctor o si Benedict na pinsan at male best friend nito. Ngunit ang masaklap ay talagang dumistansiya ito sa kanilang lahat. Tanging ang aso nito ang kinakausap. "Two weeks na po mula dumating kaming mag-iina, Mama. At ayon po sa inyo ay a week ago bago lumapag ang eroplanong sinakyan namin ay gumising na po siya. Ibig pong sabihin ay mag-isang buwan na po," tugon nito na hindi man lang lumingon sa kaniya. "Hindi ko tuloy alam kung ano ang aking sasabihin, anak. Ang asawa mo pa naman ang taong mahirap basahin ang nasa isipan. Kahit ang pinsan mong si Patricia ay iyon ang sinabi ni

