"MAARI bang ayus-ayusin mo ang iyong pananalita, Officer Ramon? Aba'y wala akong naunawaan sa sinabi mo ah!" Sa kaba at inis na lumulukob sa kaniya sa sandaling iyon ay napataas ang boses niya. Aba'y sino ang hindi kakabahan kapag basta ito pumasok samantalang hindi naman kayang ayusin ang hininga. "Officer Ramon, ano ba ang problema? Sa pagkakaalam ko ay magkakasama naman kayong pumasok nina Major General? May nangyari bang hindj maganda?" tanong na rin ni Major-Colonel Dela Rosa. Pero ganoon pa rin. Hindi kaagad ito nakasagot. Dahil habol-habol ang hininga. Kaya't wala silang nagawang magpinsan kundi ang hintayin ito na kusang magpaliwanag. "Mamaya n'yo na ako parusahan, Sir Major General, Major-Colonel. Dahil buong-puso ko iyang tatanggapin. Pero sa ngayon ay ang kaligtasan muna nin

