KELLY'S POV Nag mamadali akong lumabas ng opisina ni Alex dahil hindi ako makahinga. Sobrang init ng pakiramdam ko parang sasabog ang mga tenga ko sa sobrang init. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob na mag salita pa kanina. Sa totoo lang I want to hug him and tell him na namimiss ko sya, gusto kong kalimutan ang galit ko sakanya nung moment na nakita ko sya at narinig ko ang boses nya. Nawala lang iyon ng makita kong bigla lang syang umupo ng mag paalam ako and acted like I was nothing. Para akong masusuka sa sobrang nerbyos. "Beh!!!! How was it!" Nadinig kong sigaw ni Joni mula sa inuupuan nyang table ng makita nya ako. Hindi ko sya pinansin kasi aasarin lang ako nun. "Guys, today, I want everyone to relax. Tomorrow is a brand new day." Nagpalakpakan naman ang mga em