"Uy!" Nagulat si Kelly sa malakas na tapik ni Jonica sa balikat nya. "Kanina ka pa dyan nakatulala! Ano bang iniisip mo?!" Nagcross arms pa to habang naka titig sakanya. "Wala nag iisip lang ako ng bagong sales strategy na ipepresent." Tila bored na sagot ni Kelly. "Naiisip mo nanaman ba sya? Tagal na nun Kel, kung mahal ka talaga nun sana pinaglaban ka nya." Malungkot na sabi ni Jonica. "Alam mo bang ang matagal na sinasabi mo parang kahapon lang sakin? Kahit ganun ang nangyari naiintindihan ko sya." Pagtatanggol ni Kelly. "I know, pero tama bang ipagpalit ka nya sa iba ng ganun ganun nalang pagkatapos ka nyang makuha? Pano kung nabuntis ka?" Her inner core was hit by those words at naramdaman nanaman nya ang sakit na dulot ng nakaraan. It has been more than 4 yrs. Since that day, nag