"Kelly di mo naman sinabing sobrang gwapo pala ng Kuya mo!!!" Kinikilig na sambit ni Jossa sa kaibigan. "Mga 10x mo ng sinabi yan Beks!" Naiinis na sagot naman ni Kelly. "Iwan kanalang kaya namin dito?" Pag babanta pa nito. Yumakap naman sa braso ni Kelly si Jossa. "Eto naman di mabiro, naaappreciate ko lang naman ang luto ng panginoon." Dagdag pa nitong biro. "Pamilyar sya Kel.. Kanina ko pa iniisip nakita ko na sya eh." Mukhang pinipilit na gunitain ni Claire kung saan man nya nakita si Alex. Yumuko si Kel para kunin ang mga magazines na nasa ibaba ng coffee table. Binuklat ang mga iyon isa isa at pinakita ang mga kuha ni Alex. Lalong nanlaki ang mga mata ng dalawa nyang kaibigan. Hindi lang dahil sa kagwapuhan ni Alex kung di sa mga magazines na inilabas nya, from Singapore and Aust