"Tulala ka na naman, yung totoo, kahit boss kita, nag sa-shabu ka ba?" Hinahalo lang ni Kelly ang kanyang kape at nakatingin sa kawalan. Dalawang linggo na rin syang nakabalik ng NYC and eversince that day, napaka evident ng impact ng closure nila ni Alex. "Tsk. Magsuklay ka ah. Mukhang tirahan ng ibon yang buhok mo. Di porke wala ang Saunders Bros e ganyan ka nalang." Pangangaral ni Jonica sakanya. Napabuntong hininga nalang si Kelly at saka na tumayo sa kanyang kinauupuang mesa at saka binitbit ang kape na parang walang narinig o nakitang kakilala. Nakasalubong pa nya ang boss nyang si Kent na papasok palang ng pantry. "Hey." Bati nito sakanya pero hindi man lang nya iyon tinapunan ng tingin. Para syang walang nakikita. Nagkatinginan si Jonica at Kent pero nag kibit balikat lang ang da