WAKAS

2963 Words

BIGLANG naalarma si Dominique. Lumayo ito sa kanya at biglang naging alerto. In-lock nito ang pinto at dahan-dahan siyang kinalagan mula sa kama. Pagkuwa'y binitiwan nito ang hawak na bote ng beer pero dumukot ito sa bulsa ng suot na jeans. At doon ay parang mas gusto na lang niyang mag-collapse nang makitang baril ang hinugot nito mula sa baywang ng suot nitong pantalon. "Tulong! Tulungan n'yo ko!" sigaw niya nang ganap siyang mapakawalan ni Dominique. Mabilis na natutop nito ang kanyang bibig at itinutok sa kanyang tiyan ang hawak nitong baril. "Tumahimik ka kung ayaw mong iputok ko 'to diyan sa anak mo. Kawawa naman siya kapag nagkataon. Mamamatay sa loob mo na ni hindi man lang nasilayan ang mundo," bulong nito sa tainga niya. Binalot ng takot at kilabot ang kanyang buong sistema.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD