Eunah "Mama! Tapos na 'ko maglinis! Ni-half bath ako ni Daddy!" Nilingon ko ang anak ko na ngayo'y nasa pinto nitong walk-in closet at nakatapis na ng tuwalya. Nakagapos din ng maayos ang buhok niya sa ituktok ng ulo niya. "Halika na. Magbihis ka na." "Opo!" Kaagad din naman siyang tumakbo palapit sa akin. "Maliligo daw po si Daddy, Mama." Tinanaw ko ang pinto ng banyo na ngayo'y nakasarado nang muli. Muli kong binalingan ang anak ko at kinuhanan ng isusuot niyang pajama. Nag-aayos ako ngayon ng mga pinamili naming mga damit kanina. Natuyo din kaagad sila kanina matapos i-laundry. Aayusin ko na rin ang ilang pirasong damit na dadalhin namin bukas sa pagtungo namin sa Bulacan. Matutulog kami doon kahit isang gabi lang. Nasabi ko na rin kay Sir Damiel at pumayag naman siya. Sinuotan