Damiel NATAPOS ang buong meeting na wala akong halos naunawaan. Si Tito Lion ang nag-handle ng subject ngayon. Lumapit siya sa akin matapos maglabasan ang mga board of directors. "Huwag ka naman magpahalata na wala ka sa sarili," he told me. I sighed deeply. "Hindi ko lang matanggap ang mga nangyari." "It's all over, it's done. Mabuti nga at hindi tuluyang nalason ng babaeng 'yon ang utak mo. Isa pala siyang makamandag na ahas, kung tama ang mga suspetya mo sa kanya. Anak yata siya ni Medusa." "Sarili niyang kamandag ang papatay din sa kanya." "Umuwi ka na muna ngayon sa Bulacan. Talk to your father-in-law. Pinamamanmanan ko na ang Medusang 'to. Siguradong magkikita sila dito ng mahal niyang Ninong. They have a child, right?" Hindi ko siya sinagot pero muling lumarawan sa isipan ko