Blossom "You have three babies in your placenta." Bigla akong napanganga sa sinabi ni doktora. "T-Three?" gulat ding tanong ni Mommy sa kanya. Maging si Dad ay napanganga din. "Yes, we have detected three babies on the monitor." Patuloy pa ring idinidiin ni doktora sa tiyan ko ang transducer. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko sa mga sandaling ito. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Hindi ko napigilang maluha. Tatlo kaagad ang baby namin ni Walter! "Congratulations, Mommy." Kaagad na ring natapos ang pag-u-ultrasound sa tiyan ko at napatunayan na nga naming buntis ako sa tatlong sanggol. Inalalayan na ako ni Mommy na makatayo at inayos ang suot ko. Nauna na ring lumabas ng silid si Dad at doktora. Sumunod na rin kami ni Mommy at marami pang ipinayo sa akin si doktora. Pero