Carolline's POV "Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko na naman kay Francis. Nakasunod lang ako sa kaniya sa paglalakad. Napasimangot ako nang hindi niya na naman ako sinagot. Patuloy pa rin siya sa paglalakad. Naiinis na ako sa kaniya. Ang sakit sakit na ng paa ko. Ang tanga ko naman kasi. Bakit pa ako nag-heels? Feeling ko tuloy magkakaroon ako ng paltos sa paa. Kinalabit ko naman sa likod si Francis. "Hindi ba puwedeng mag-taxi na lang tayo? Malayo ba 'yon? Kanina pa tayo naglalakad e!" naiinis na sabi ko pero patuloy pa rin siyang naglalakad. Napapadyak na naglakad ako at sumunod sa kaniya. Napahinto lang ako nang maramdaman kong tumama 'yong ulo ko sa matigas na bagay. Pagka-angat ko ay nakita ko ang mukha ni Francis. Hindi ko tuloy mapigilang mapalunok. Bakit ang pogi niya diya