Carolline's POV Dalawang araw bago ang birthday ko. Napagpasyahan ko muna na mamasyal ng mag-isa. Gusto ko munang magmuni-muni. Gusto kong balikan 'yong mga nangyari bago ako makarating dito. Pagkatapos ng pag-uusap namin kahapon ni Francis ay umalis din siya dahil dumating ang parents nila. Kasabay din ng pagdating ng parents ni Jhoyce. Ang balita ko, pinag-uusapan ang tungkol sa kasal nila Franco at Jhoyce. Mauunahan pa yata kami nila Franco nito. Napailing na lang ako sa naisip ko at naglakad sa may gilid ng Manila Bay. Kailangan maging successful 'yong plano namin ni Francis. Hindi na ako makakapayag na mapunta kay Brianna lahat ng pagmamay-ari ko. Pero may part sa akin na nasasaktan ako para kay Brianna. Kahit papaano kapatid ko pa rin siya. Nakakaawa man siya pero kailangan ko p