Carolline's POV Matapos namin mag-snorkeling ay sumunod ako kay Allen. Nauna kasi siyang bumaba at sinabing sumunod na lang dahil may aayusin pa raw siya roon sa bahay na tutuluyan namin. May mga turista rito pero kakaunti lang ang nakita ko. Nakita ko si Allen sa may sala na nag-aayos ng mga damit. Lumapit naman ako sa kaniya. Ang sabi pa naman niya kanina ay dito muna kami mag-sstay. Kaya naalala ko na wala pala akong damit na gagamitin kaya nilapitan ko siya. Napansin niya naman ako kaya napatingin siya sa akin. Mukhang nakapagpalit na rin siya ng damit. "Tapos ka na?" tanong niya sa akin at umango naman ako. "Nasaan 'yong kambal?" "Nandoon pa rin iniwan ko, mukhang nag-eenjoy sila." "Hayaan na lang natin, minsan lang kasi 'yan. Nakakapagtaka ngang nandito 'yong dalawa na 'yan. Lal