Carolline's POV Bumalik na kami sa hotel na tinutuluyan namin para naman makapag-check in 'yong kambal. Sila Franco na ang nag-asikaso at kumuha sila ng room na sa iisang floor din namin. Nasa kuwarto ako nang may nagdoor bell, pagkabukas ko ay nakita ko si Francis doon habang may hawak na dalawang baso ng kape. "May I come in?" tanong niya kaya nilakihan ko naman ang pagkabukas ng pinto. Nang makapasok na siya ay sinarado ko na ito. Nakita ko siyang dumiretso sa may balcony kaya sumunod ako sa kaniya. Pagkarating ko roon ay inabot niya sa akin ang isang baso na hawak niya. "Nandoon ang dalawang gago sa room ko, kaya nandito ako," pagpapaliwanag niya at tumango ako. Hinigop ko ang kape sa baso na hawak ko. "Bakit pala kayo sumunod dito?" "Hindi ko alam kay Franco, he insisted me to