Carolline's POV Nagising ang iba pa naming kasama nang malaman na nandito na kami at hindi nila mapigilang sumulyap sa may bintana. Makikita pa rin dito ang ganda ng tanawin. Napangiti naman ako sa aking naisip. Hindi pa rin ito nalalayo sa huli kong pagpunta rito. May mga nadagdag lang na mga bagong tayong bahay pero sobrang ganda pa rin ng lugar. Sobrang tahimik at sobrang linis ng paligid. Napagpasyahan naman naming dumiretso na lang muna sa bahay nila Tita Alyanna, ang Mommy ni Allen. Nang makarating ay sinalubong kami ng mga katulong nila Allen at inalalayan kami sa mga dala naming gamit. Napatingin naman ako sa mansyon nila. Wala pa ring pinagbago sa kanilang bahay. Napalingon naman ako nang marinig ang isang matinis na boses. Alam na alam ko kung kaninong boses iyon. "Carolli