Carolline's POV HINDI ko mapigilang mapangiti at 'saka lumapit sa kaniya at binigyan siya ng isang mabilis na halik sa labi. Nagulat siya sa ginawa ko, pero hindi niya na lang ito pinansin. Nakangiting lumapit ako sa kotse. Noong nasa college pa lang ako nag-iipon ako para makabili ng ganitong kotse, pero sa huli ay hindi ko naman nabibili. Noong bata pa ako, bukod sa pangarap kong maging may-ari ng kumpanya ay gusto ko ring maging car racer. Naalala ko pa noon na palihim akong sumasali sa mga ganito at nanghihiram lang ako kay Allen ng kotse. Wala pa yatang nakakatalo sa akin pagdating sa karerahan. "OMG! Ferrari 488 GTB with 660 turbocharged ponies, estimated 0-62 mph at 3 seconds, and stunning sheet metal. Ang ganda!" namamanghang sabi ko. "I didn't know that you are good in cars,"