Mad 22 (Kaye) Naglakad lang ako pauwi sa amin, papasok na ako sa subdivision kong saan kami nakatira nang makasalubong ko sila Owen, Queenie, Flora at Vin. Natigil ako sa paglalakad at pati rin sila nang makita ako. Napangiti si Queenie nang makita ako pero hindi ako gumanti kahit pilit, ayokong magkunwaring ayos lang ako, hindi ko rin gustong kaawaan din nila ako, may mga sariling kaming buhay, hindi ko kailangan ng awa nila dahil sa nangyari sa amin. Tuluyan na silang nakalapit sa akin, makikita ko sa mga mukha nila ang lungkot o baka awa. “Kaye saan ka ba galing, pagtuwing pumupunta kami sa bahay ninyo, palagi kang wala, buti naman nakita ka na namin,” wika ni Queenie. Ito pa ang isang dahilan ko kaya ayaw kong nasa bahay, simula kasi ng matapos ang lahat, palagi silang bumabalik