Mad 27 (Kaye) Pagkatapos ng agahan, hinati na naman nila kami ayon sa grupo namin, naglilinis kami sa ng isang silid na puno ng mga instrumento ng pangtugtug, malawak siya at malaki na para rin siyang library kasi sa gilid merong mga book shelves. Sa silid na ‘to may parang second floor pa siya, doon punong-puno ang mga librong naka-display. Kaya dalawang grupo ang nagliligpit at naglilinis ng kalat, ang grupo ko at grupo ng iba, sila Ronnie, Dannie at Zeke. Kami ang nakatuka sa mga music instrument, samantalang sila naman sa mga libro. Kanina ko pa napapansin na may kanina pa tingin ng tingin sa akin, nang sulyapan ko sila Wesley at Vynce, busy naman sila sa mga ginagawa nila, kaya napasulyap ako sa grupo ng tatlo pang lalaki, ngayon ko lang napansin na nakatingin pala sila sa akin.