Mad 29 (Third Person) May isang dalagang duguan at naghihingalo sa sahig na napapalibutan ng mga kandilang pabilog, nakapalibot din doon ang limang personalidad na puros itim at kasuotan, may binibigkas silang lingguwahe na sila lang ang nagkakaintindihan, isang dasal tungkol sa ritual na ginagawa nila. Sobrang dilim na tanging sindi ng kandila ang nagsisilbing liwanag nila, walang katao-tao at sila lang ang na andoon. “Tulong,” pilit pa ring humihingi ng tulong ng dalaga kahit na anomang oras ay malalagutan na siya ng hininga. May saksak siya at sikmura kaya kumakalay na ang dugo niya sa buong bilog. Pabigat ng pabigat ang paghinga niya, parang isdang naghahanap ng hangin mula sa tubig, nakasuot ng pang tulog, namumutla at namamayat na. May mga sugat din siya sa iba’t ibang parte ng