Mad 33 (Third Person) Pinarada ni Atom ang kanyang bike sa harapan ng presinto, kahit na matumba pa ito ay wala na siyang pake alam, nagmadali siyang pumasok sa loob na katatapos ng lahat magtanghalian, lumapit siya sa desk ng isang pulis kong saan nagtitinga pa. “Excuse me po sir, may gusto po akong sabihin sa inyo.” Nagmamadaling wika ng binata habang humihingal pa siya dahil sa pagmamadaling makarating sa presinto gamit ang bike, pawisan din siya dahil sa tirik na tirik na araw. “Anong kailangan mo binata?” Tanong sa kanya ng lalaking may katabaan, ayon sa ekspresyon nito sa mukha, para bang hindi ito interisado sa sasabihin niya. “Kailangan ninyong tulungan ang mga kaibigan ko, sa Westwood, ang House of Marry nakatayo uli roon, kumukuha na naman sila ng mga bagong biktima, nakasam