Mad 12 (Third Person) Nakasandal ang likod ni Wesley sa bakal na pintuan, nakatanaw sa dilim kahit na wala siyang nakikita, pinapakiramdaman ang paligid, gutom, pagod at takot ang naghahalong emosyon sa kanya ngayon. “Bitawan ninyo ako! Please wag ninyo akong ipapasok sa safe zone!” Natigilan siya at agad na napatayo nang marinig niya ang ingay na papalapit sa kanya. Mga sigaw ng babae, isang pamilyar na boses, “Kaye.” “Please wag! Maawa kayo sa akin!” “Kaye!” Sigaw niya at nag-umpisa na naman siyang kalampagin ang pintuan, pinipilit na buksan kahit hindi niya kaya, “wag ninyong sasaktan si Kaye!” “Wesley! Tulungan mo ako!” Natigilan siya sa sigaw ng dalaga, para siyang binuhusan ng malamig na tubig, boses ni Kaye ang naririnig niya pero pamilyar sa kanya ang mga salitang ‘yon, mg