LIZAH AGUILAR Sinara ko ang pinto. “Look mama Lizah! Ang dami-dami naming toys! It’s from Santa Clause!” Naabutan ko ang kambal kong nag-u-unboxing sa sala na halos wala na Ngang space dahil pinuno ng mga iba’t ibang laruan. Pilit akong ngumiti dahil nakikita ko silang masaya. “Ah, Liz, bukas pa raw i-d-deliver ang play house nila. Ilalagay nila sa labas dahil sobrang dami naman kasi nitong mga laruan na binili ni... Alam mo na…” mahinang bulong sa ‘kin ni Dessa habang pinagmamasdan kong parang lumulutang sa saya ang mga anak ko. “Sa ngayon, dito raw po muna itatambak sa sala at bukas na bukas, isasalin nila sa play house ng kambal…” “Mama Lizah! Ito po pinakafavorite toy namin ni Elizah!” Nagsitakbuhan silang dalawa sa ‘kin at tumigil sa harap ko. Inangat nila ang mga hawak-hawak n

