LIZAH AGUILAR “ Kumalma po muna kayo!” Nagpapanic at takot pa sa takot ang soldier na halos hindi na s’ya maka-hinga sa kaba. Akala ko kung ano ‘yong tinutukoy n’yang mahalagang bagay na nawala at ganito na lang s'ya nangangarag. Kaya pala galit na galit si Ryujin kanina. Parang may gustong patayin na tao pero itong soldier pala ang gusto n'yang saktan. Pinakalma ko muna s’ya. Dinala ko ang soldier sa kusina at pinaupo saka inalayan ng malamig na tubig. Pinagmasdan ko s’yang nilalagok ‘yon at nanginginig pang nilapag ang baso pabalik sa ibabaw ng mesa. Ngayon lang ako naka-kita ng soldier na umiyak tapos nasisindak na parang iisipin mong nasa bingit s’ya ng kamatayan. Hindi ko rin masukat ang galit kanina ni Ryujin kaya ganito na lang naghihingalo ng tulong itong soldier. Kawawa nama

