LIZAH AGUILAR SUMUNOD na lang kami ni Vicky. Dalawang metro ang layo namin kay Martha. Sinundan ko ng tingin si Ryūjin nang nag-squat sa harapan n'ya na hindi tumitigil sa pag-iyak. “Does it hurt?” Binalingan s’ya ni Martha ng masamang tingin. “Don’t worry, I will get rid of the pain.” Akala ko kung ano ang gagawin ni Ryūjin pero nanigas ang leeg ko nang bigla n’yang nilabas ang isang dagger knife. Inalisan n’ya iyon ng cover saka kinapitan lower arm ni Martha. Hindi ko kinurap ang mga mata ko nang bigla n’yang tinaga ang pulsuhan ni Martha. Doon ko na binaba ang mga talukap ko nang humiwalay ang kamay n’ya sa braso. She screamed from the top of her lungs. Hindi ko na kayang masaksihan kaya minaigi ko na lang na ipikit ang mga mata ko. “Listen to me you ugly fuckìng son of a bìtch

