LIZAH AGUILAR IYAN na lang mahinahong pangungubinsi ni Ryujin kay Elizander. Parang ngayon lang, lalabas na s’ya sa balat sa kakasigaw sa mga anak ko. Pumagitna na nga ang bunso ko pero sinabihan n’ya pang 'bubwit'. Akala mo gangster ang kinakalaban n’ya. “Go on… take this…” Inaabot pa rin ni Ryujin ang hawak n’yang laruan pero biglang tinago patalikod ni Zander ang mga kamay n’ya at pinatagilid ang kan’yang ulo na parang nagtatampo. Kung alam n’ya lang na minana ng kambal ang iilan sa mga ugali n’ya. Suplado at suplada ang mga anak ko, lalo na si Elizahbette. Pag inatake ‘yan ng pagkamaldita, Diyos ko po. Ang hirap pakalmahin lalo na ‘yong mga nasa 1 year old to 3 years old pa lang sila. Talagang pahirapan kami ni Dessa sa tantrums nilang dalawa. “Ayaw mo na ba?” malambing na tanong n

