LIZAH AGUILAR PUMUTOK at kumalat sa dome prison ang chismis tungkol kay Briggs at Martha. Hindi ko naman alam na gumawa pala ng kuwento si Martha na buntis daw s’ya. Kinakalat n’ya mismo ‘yan sa mga servants kaya naging protektado s’ya ng mga soldiers na nagduduty sa dome prison. Mas naintindihan ko na kung bakit walang ginawa ang mga soldiers noong sinumbong s’ya ni Vicky dahil nagdadalang tao kuno kaya hindi mapaparusahan. Bawal naman talaga na alipustahin ang kapwa mo servant at totoo ‘yong batas na sinabi kanina ni Ryujin. Usap-usapan tuloy sila rito. Ang katamaran n’ya ang nagpahamak sa kan’ya. Naawa ako kay Vicky. Bibisitain ko s'ya kapag magkaroon ako ng libreng oras. Sa kondisyon n'ya, hindi pa s'ya makapagtrabaho. Nasa kusina naman ako ngayon, nagtitimpla ng kape para sa

