LIZAH AGUILAR PINIPIKON na ako ng Ryujin na ‘to ‘e. Paano na lang kaya kung mabalitaan ng kinakasama n’yang may ganito kaming pinaguusapan? Baba-taas lang ang pagkakatitig sa ‘kin ni Ryūjin. Hindi ko pa mabasa kung ano ang mga tumatakbo sa malaki n’yang utak ngayon dahil wala naman s’yang negatibo o kahina-hinalang reaks’yon kahit inamin ko sa kan’ya ang totoo na may mga na anak ko. Iyon lang kasi ang nakikita kong paraan para tigilan n’ya na ako. Kung, gagana. Ilang segundo ang lumipas, mukhang naging visible sa facial expression n’ya ang curiosity. Mas naiintriga pa s’ya ngayon kaysa kanina at napapahinga na ako ng malalim. "Nag hanap ka agad ng panakip butas noong iniwan kita?” Naka-angat ang makakapal n’yang mga kilay. Tinukod pa ang mga siko sa ibabaw ng mesa at nag lock finge

