LIZAH AGUILAR AAMININ kong kinabahan ako sa narinig ko mula sa soldier. Binitawan ko agad ang ginagawa ko at lumarga kami papuntang hospital. Dumiretso kami sa hallway ng operating room pero hindi kami pinasok dahil ongoing pa ang operasyon ni Ryūjin. Pinaupo muna kami ng nurse sa couch para mag-hintay. “Ano po ba ang nangyari at bakit tinamaan ng bala si Ryujin?” seryosong tanong ko sa soldier na palakad-lakad sa harapan ko. Humarap muna s’ya sa ‘kin at kitang-kita ko ang pagkabalisa sa mukha n’ya na pinagpapawisan ng husto. “Sa hideout na i-inspect namin, may nakita si Boss Ryujin sa scanner na kontrabandong gamit. Pinakuha n’ya iyon sa kasamahan namin pero, biglang may nilabas ang soldier na handgun. That suspect aimed the gun at our comrade. S’ya sana ang natamaan pero mabilis s’

