LIZAH AGUILAR “Huwag kang magulo, Ryujin,” mahinang bulong ko dahil siksik na siksik ang mukha n’ya sa pagitan ng hinaharap ko. “Why... do you prefer to hug that dàmn pillow over me?” Tiningala n’ya ako at bahagyang naniningkit ang mga mata n’ya. “Sino ba ang nag regalo ng unan na ‘yon, hindi ba’t ikaw? Ang gulo mo kasi matulog. Ang ligalig...” “Sino ang masarap yakapin, ako o ang unan?” seryosong tanong n’ya. “Ang unan kasi... mas malambot.” Nang marinig n’ya ang sagot ko, bigla n’ya akong tinalikuran. Natawa ako ng mahina. “Ryujin, ‘wag mong sabihin na nagtatampo ka nang dahil sa unan?” mahinang sambit ko. “Itatapon ko ‘yang unan bukas.” Nanlaki ang mga mata ko. “Subukan mo, magkakamatayan tayo.” “Then hug me back.” Hinarap n’ya ako at bumalik sa puwesto n’ya kanina ku

