LIZAH AGUILAR PINANINGKITAN ko s’ya ng mga mata habang tinititigan ko s’ya pababa-pataas. “Dessa, kunin mo nga si Elizahbette,” marahang utos ko na agad sumangayon si Iridessa. Mabilis s’yang humakbang patungo kung saan ako naka-tayo. Nang maramdaman kong papalapit na s’ya, humarap ako at ipinasa ko sa kan’ya si Elizah. Lumakad sila pabalik sa picnic blanket. Doon ako humarap pabalik kay Ryujin. “Your daughter told me that you guys having a picnic.” “Nakikita mo naman, ‘di ba?” He smiled. “Yes.” Naka-titig ako sa kan’ya sa nagdududang paraan. “Paano mo masabi na hindi ka tumakas? At posible pa ang sinabi mong… soldier ka sa umaga tapos preso ka sa gabi?” “You can ask my brother if you want. Just look at my badge.” Sabay tinuro ang gold badge n’yang naka-pin sa dibdib n’ya b

